Isa ang aktres na si Claudine Barretto sa mga celebrity na kaagad na nakiramay sa dating aktres na si Lindsay Custodio, na pumanaw ang asawa dahil sa atake sa puso.

Nasawi nitong Lunes ang 43-anyos na asawa ni Lindsay na si Julius Caesar Platon II,  dating bise alkalde ng Tanauan, Batangas, matapos umanong atakihin sa puso habang nagmamaneho.

READ: Lindsay Custodio’s husband, former Tanauan vice mayor Julius Platon, dies

Sa kaniyang Instagram account, ipinost ni Claudine ang larawan na kasama niya si Lindsay sa sa The Heritage Park sa Taguig City.

"My heart is Broken & goes out to your family @lindsaycustodioplaton i luv u Linds & Julius & the kids.may God be with ur family always.thank you @nikkamgarcia for bringing us all together," saad ni Claudine sa caption ng larawan.

Kasama ni Claudine na nagtungo sa Heritage Park ang dati ring aktres na si Nikka Valencia.

 

 

Nagkasama noon sina Claudine at Lindsay sa isang programang pambata sa telebisyon.-- FRJ, GMA News