Matapos ang limang taong relasyon, natutunan daw ni Kapuso star Addy Raj na "nothing lasts forever." Pero kung nabigo man siya sa pag-ibig, may maganda naman daw nangyari dahil matapos nito ay nagpunta niya sa Pilipinas.

"Na-realized ko that nothing lasts forever because 'yung huling relationship ko ay mga... limang taon, and obviously like I thought it would be forever na. Pero, yah," kuwento ni Addy sa programang "Mars."

Natanong si Addy kung naging masaya naman siya matapos makaranas ng heartbreak.

"I guess. I came to Philippines after that so I guess everything's for the good," nakangiti niyang tugon.

Si Mars Suzi naman, aminadong hindi siya natanggap sa pagiging model noon dahil sa pagiging mabilog ng kaniyang katawan, pero may dumating din mas magandang pagkakataon.

"Pero okay lang kasi after nu'n, dumating naman 'yung first TV job ko which is Gameplan," saad ng "Mars" host.

Panoorin ang kanilang kwentuhan sa video na ito.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News